dahil dito sa sementong kama, ako lang ang diyos.
Sa loob ng pang-isahang flat sa isang lumang gusali.
Nakaupo sa sopa sa harap ng tv pero hindi naman talaga nanonood.
Dahil nasa magkabilang dulo, mistulang isang napakahabang highway ang sopa.
Sa paanan nito ay nakahandusay ang mga supot ng sitsiryang binuksan nga pero hindi man lang ginalaw.
Pinadidilim ng naglalakihang kurtina kahit pa ang mga singit nitong palasyong parisukat.
Mababakas sa karpet ang mga alikabok na mag-iisang linggo na ring magkasiping.
Noong una'y hindi pa nakakasamid ang katahimikan.
Lalapit at sasandal sa balikat. Kakapit sa braso ng mahigpit.
Lalong magpipilit kumawala ang mga luhang inalipin ng matagal na panahon.
Dalawang pares ng mata ang nangungusap sa isa’t-isa. Kapwa pinakikinang ng kani-kaniyang mga nagpupumiglas na alipin habang ang lahat ng bagay sa paligid ay naglalahong kasama ng mga damdaming sumasayaw sa saliw ng ngayon.
[kung ang buhay ay isang iskrip at ako ang awtor, malamang matagal ng nakasampay sa alaapaap ang eksena ng palasyo nating dalawa.]
0 Comments:
Post a Comment
<< Home