I realized.
1. I want to travel the world in a mission. I want to reach out to as many people as possible. I want to learn more about their lives, their cultures. I want to help those who are in need. I want to influence and be influenced by people of different races. I want to share myself with them. At whatever man yun na matutunan ko sa iba’t – ibang kulturang ito ay dadalhin ko dito sa Pilipinas. Para sa mga Pilipino. Para sa ikabubuti nating lahat. At syempre vice-versa. I know there are lots of things that I, as a Filipino, could share to other races.
2. I will never be afraid to say NO and go against the flow if needed, if I wanted to. I’ll always make sure that I stick to my principles without being deaf to the opinions of others. Hindi ko gagawing importante ang mga bagay na hindi naman talaga importante para sa’ken.
3. Hindi ako magpapakasal pero hindi ibig sabihin na hindi ako mag-aasawa. Yup. Those two may be contradictory – but nor for me. Of course, I am looking forward to a lifetime (forever pwede rin) partner but I don’t think that marriage is of any essence to it. Ang gusto ko kase, magsstay kami pareho sa relationship namen hindi dahil kasal kame kung hindi dahil gusto namin talaga. Kung susuriin naten, totoong mas mahirap ang ganitong setting, pero para saken mas totoo ‘to. Since hindi kame bonded by any law (heavenly or manly), mas madali ang kumalas at gumawa ng kalokohan. In short, mas madaling humanap ng iba. Mas mahirap i-preserve and relationship sa ganitong set-up. Pwede naming iwanan ang isa’t-isa anytime na makahanap kami ng iba naming gusto. Hindi kami magsstay sa relationship dahil kasalanan (sa batas ng tao at Diyos) ang adultery (dahil hindi nga kami kasal) kung hindi dahil dito sa relationship naming to talagang natagpuan ang pagmamahal, peace at home na gusto namen. Wala kaming basbas ng kahit ano o ng kung sino. Wala kaming papeles na pipirmahan. SIncerity lang namin sa isa’t-isa ang mapanghahawakan namen. Yun lang. At in the end, kung kami pa rin talaga, ibig sabihin hindi kami nagstay na magkasama dahil iyon ang sinumpaan naming salaysay sa harap ng Diyos at sa harap ng tao kundi dahil yun ang sumpa namin sa isa’t-isa – at hindi lang sumpa kung hindi, yun talaga ang pinili namen dahil yun talaga ang gusto namen.
4. Hindi ako magko-commit sa isang bagay o tao kung hindi ko rin naman makikita ang sarili ko dun. Kung hindi ko rin naman matatagpuan ang level ng lalim ng koneksyong hinahanap ko. In short, kung wala naman siyang kwenta at meaning para saken. kung hindi rin naman niya ko hinahayaang mag-grow as a person.
5. Hindi rin ako papasok sa isang relationship kung wala rin namang equality. Kung mapipilitan lang akong gawin ang mga bagay – bagay dahil iyon ang “dapat”. Dahil yon ang expected na gagawin ko.
3 Comments:
i also would want to travel the world..learn new languages, embrace new cultures, meet new people...and help them. :)
BAKET? i min, people change and we wil always do pero di ko kz na-carry ung #3.. wahehe..
based on my principles, lubhang magkaiba tau ng pananaw sa bagay n yan, siyempre i still go for the typical type of having a partner, a partner for life, magpapakasal kami kasi hindi dahil sa gusto ko may sumpaan ever at may pinanghahawakan... magpapakasal kami dahil we're surrendering everything to the Lord na sya ring nag-bless samin ng presence ng bwat isa sa buhay namin and if in God's time dumating yung point na we have to part ways, God will provide the way to settle it down and let us separate in good terms... hihi.. also for the love for our children, kung magkakaroon man kami, hindi sila mahihirapan kung kasal kmi.. if they have to grow with us from two different houses, it is something na hindi naman ginugusto ng mga mgulang to happen, marami namang ganyan but no matter how long it will take, maiintindihan din naman nila un.. it will be very nice that when i love, which is something that couldn't be explained by the chemical reactions happening in human biology, i take time to offer it to God in the most sacred way I could... gayunpaman, may differnt views tau about that, whatever it is, im still here to support you.. hehe..
yes bamb. nagbabago ang lahat ng bagay. nagbago na rin ang pananaw ko nakita mo ba? pero syempre kagaya nga ng kakasbai ko lang, pwede ring magbago yan in the future. malay mo mamaya or bukas? hehe. let's just support each other. =) lavyah
Post a Comment
<< Home