Wednesday, January 25, 2006

sukdulan.



tama.








sabi nga ni idol Ricky Lee, "nasaktan ka? damhin mo."


ngayon, isa na 'to sa pinaka-tamang panahon para lasapin at ibuhos ang ganda ng sakit.
kung sa bagay, ako na rin naman ang naghasik ng lagim noong una pa lang at nagsabing
"pain is beautiful".


may mangilan-ngilan din naman ang nahawaan nung nakagat ko sila.




pero matagal ko na namang alam. may kakaiba talagang "tulak" ang ginagawa sa'ken ng sakit. pait. aray. aruy. aaaahhh. pakiramdam ko nagiging mas tao ako kapag nalalagay ako sa ganong sitwasyon. hindi lang tao kung hindi, mas mabuti, mas maganda (at syempre maganda) at mas may kwentang tao.




sabi NIYA (yon na yon) nga minsan, "turn your pain into something beautiful."











o di sige. tama ito na nga yun.
at tutal ikaw naman ang may kagagawan ng lahat ng 'to
sige saluhin mo lahat ng ganda ng sakit ko.
lahat lahat.
itotodo ko na.
ibabalik ko na lahat sa'yo.





uulitin ko. lahat lahat.




sa bawat titik. tuldok. pangungusap. imahe.
sa bawat daloy ng emosyon. luha. ngiti. kunot ng noo.
sa bawat boses at pagkumpas na manggagaling sa mga tauhan ko.
sa bawat pangalan. tagpuan. oras.
sa bawat simula at katapusan.



ang kwento natin.
kwento nating may simula pero walang katapusan.
kaya nga ako na lang ang gagawa ng katapusan.
pati ng gitna at kinabukasan.









pero kung hindi mo man magustuhan, sana tanggapin mo na lang.



4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

huwaw! ricky lee? idol ko din naman iyan... he he he.. paborit ko iyung ang mahaba at maikling
buhay na kumander tangkad he he he... apir!!!!

7:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

waaaahh.. ambigat nun..

in fairness gusto ko ung last statement mo.. antaray.. hehehe..=)

1:57 AM  
Blogger The Guy in Red Sneakers said...

sige itambak mo nga lahat saken.
try ko lang.

11:02 PM  
Blogger Sinukuan said...

sorry, may nagreserve na eh. first come first serve. =)

5:53 AM  

Post a Comment

<< Home